Huwebes, Oktubre 1, 2015

Rhian Ramos, sa kanyang pinaka-“daring” na role (Entertainment News)

ni Jihan Claire Fedelin

Rhian being pretty in red in the premiere night. (PHOTO COURTESY by push.abs-cbn.com)


Isang napakalaking success ng premiere night ng indie film na “Silong” nina Piolo Pascual at Rhian Ramos.

Dinumog ng kanilang mga fans ang screening ng movie sa Fisher mall kung saan kitang-kita ang suporta ng kanya-kanyang fans.

Maraming nagsasabi na ang nasabing movie ay isang obra na hindi mo aasahang gagawin nina Piolo at Rhian. Ang ginawa nilang move na gumawa ng isang film na katuload ng “Silong” ay isang malaking hamon para kay Piolo Pascual at Rhian Ramos, na siyang producer ng nasabing film.


Ang “Silong” ay itinuturing na isang independent film at isinali ito sa Cinemalaya Festival nina Piolo at ngayon ay ipinasok niya sa mainstream o commercial cinema upang maraming tao ang makakita.

Para kay Rhian Ramos, ang paggawa ng “Silong” ang isa sa mga role na pinaghanadaan niya ng mabuti at nailabas ang kanyang totoong acting skills.

Official poster ng “Silong” (PHOTO COURTESY by mymovieworld-coolman0304.blogspot.com)



Marami ang nagdududado noong sa aknyang kakayahan dahil sa mga palabas na pinagbidahan niya pero sa kabila ng mga batikos sa kanya naging matatag siya. Mas nakilala siya ng gumanap siya bilang katambal ni Dingdong Dantes sa Filipino adaptation ng Koreanovelang “Stairway to Heaven”. Ngunit bago pa man yun ay nanalo na siya ng Breakthrough Performance Award by an Actress sa Golden Screen Award para sa kanyang pagganap sa pelikulang “The Promise.”

 Simula noon nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat. Kasama na dito ang paggganap sa katatapos pa nga lang na “ The Rich Man’s Daughter” kung saan gumanap siya bilang isang Chinese lesbian. Ang kanyang role sa nasabing palabas ay nakapag-papukay sa isip ng mga tao at ngmanonood.

Sa “Silong” nagawa ni Rhian ang kanyang first love/bedscene sa kanyag whole career. Dahil ayun sa kanya, hangga’t hindi niya nakikita yung point ng lovescene sa istorya hindi niya gagawin yun pero dahil kinakailangang ipakita yung koneksyon sa pagitan ng karakter nina Pioloa at Rhian kaya ginawa niya.


Piolo Pascual and Rhian Ramos sa showing ngkanilang movie na “Silong” (PHOTO COURTESY by www.philstar.com)


Nang ibigay sa kanya yung script ng story, binasa niya ito kagad sa isang upuan lang at pumayag siya kaagad. Dahil sabi niya “The ending was something I did not see coming.”

Totoong uminom ang aktres bago ang kanilang scne upang mawala ang kanyang hiya. At magawa niya ng maayos ang kanyang pag-arte. Pero hindi lang yun ang kanyang ginawa. 

Sinabi niya na kailangan niyang malaman kung kalian nila isho-shoot ang nasabing scene upang una daw, ay makapagexercise siya at ma-tone down at carbs before the scenes at pangalawa para daw alam niya kung kalian magpapadala ng win sa kanyang tent. Isang napakalaking move ang ginwa niya na hahangaan ng kahit na sino dahil talaga naming napakaganda ng kinalabasan ng nasabing scenes.

Hindi maiiwasang magulat ang buong pamilya ng aktres, sa kanyang pagganap sa pelikula. 

Dahil hindi mo akalaing ang isang aktres na katulad niya namahilig sa car racing ay gagawin ang isang role na katulad ng pagganap niya bilang Valerie sa pelikulang  “Silong”.

Siguradong maraming manonood ang magugustuhana ng nasabing pelikula.

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa isang doctor na si Miguel Cascarro (Piolo Pascual) na nalulungkot pa rin sa pagkamatay ng kanyang buntis na asawa sa isang bus accident. Isang araw, habang nagmamaneho siya pauwi,  nakita niya ang isang duguan at bugbug-saradong si Valerie(Rhian Ramos) sa isang lumang daan sa probinsiya at inuwi niya ito upang gamutin siya at ibalik ang kanyang lakas. Pero madalas ang pinakamalalalim na sugat ang hindi mo nakikita (But the deepest scars are the ones you can't see).


Clips from the movie “Silong” (PHOTO COURTESY by pinoymovieblogger.blogspot.com)



Ipinapalabas na ang “Silong” sa lahat ng sinehan na pinagbibidahan nia Piolo Pascual, Rhian Ramos at Guji Lorenzo. Directed by Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla Ho mula sa Black Maria Pictures at SQ Film Laboratories.

Sources:
http://megastyle.ph/megastyle-september-2015-vol-ii-piolo-pascual-rhian-ramos/
http://push.abs-cbn.com/features/42615/rhian-ramos-on-first-sex-scene-with-piolo-pascual-inalalayan-niya-talaga-ako/2/
http://www.filmpolicereviews.com/silong/
https://www.youtube.com/watch?v=JGF2dOiv4zk
http://www.imdb.com/title/tt4029866/



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento