Biyernes, Oktubre 9, 2015

Huwebes, Oktubre 8, 2015

Jeje Night! (Podcast)



Hi sa ating Kajeje Nation! Alamin ang top 5 Jeje songs with top 5 hugot lines this week mula sa ating mga Kajeje na si DJ Jihan_08 at Shenemarxszc, Dito lang yan sa Jeje Night! Ajejeje!




The Real Taste Buddies Season 2 (Showbiz and Entertainment)



Sino ba talaga ang bet ng kabataan sa pagitan ng dalawang babae na patok ngayon sa online community at maging sa telebisyon? Si Maine Mendoza aka "Yaya Dub" ba o si Angelica Jane Yap aka "Pastillas Girl"? Alamin dito lang sa The Real Taste Buddies Season 2




Huwebes, Oktubre 1, 2015

Rice Terraces, muling nadiskubre sa Antique (News Article)

ni Rae Angelica Espinosa

Photo courtesy of www.katahum.com
   
SAN REMIGIO, ANTIQUE- Isang tagong yaman ang muling natuklasan sa kabundukan ng bayan ng San Remigio, Antique- ang hagdan-hagdang palayan na tulad ng sa Ifugao. Anim na ektarya ng haba ng palayan na pinangangalagaan ng grupo ng mga Iraynon Bukidnon-mga katutubong mula sa Barangay General Fullon.


     Makikita ang rice terraces sa isang kapatagang napaliligiran ng mga burol at kabundukan. Sa hilagang kanluran naman nito masisilayan ang dalawang talon at sa kabiang bahagi ay ang ilog Sibalon. Hindi na kataka-taka sa mga residente na kaunti lang ang bumibisita sa kanilang lugar sapagkat ang pinakamalapit na bayan sa kanila ay may layong labinwalong kilometro.

     Nadiskubre ang terraces noong Pebrero 2014 ng isang propesor mula sa Unibersidad ng Piipinas sa Visayas na si Propesor Emmanuel Lerona. Siya rin ay kilala bilang isa sa nagtaguyod ng Panay Bird Club.

   Ayon kay Lerona, naghahanap lamang siya sa Google Maps ng mga posibleng tirahan ng ibon sa kabundukan ng Miagao sa Iloilo at Madja-as Mountain Range nang may mapansin siyang mga hindi kilalang lugar na may kakaibang hugis sa pagitan ng San Remigio at Valderama sa Antique.

     Ipinaalam agad niya ito sa mga tauhan ng Katahum Tours na siyang tutulong sa kanya parang kumirmahin ang mga lugar na kanyang nadiskubre. Nagsimula ang paglalakbay ng grupo noong ika-27 ng Agosto at bumagtas sila ng limang bundok upang makarating sa rice terraces.

Photo courtesy of www.philippineslifestyle.com
     Natuklasan nila na ang barangay ng General Fullon ay sagana sa yamang tubig dahil sa dalawang talong nakapapaligid dito- ang Iglangit at Igtamoni na ginagamit na patubigan sa mga
“taraman” o bukid. Malapit rin dito ang Ilog Sibalom na pinagkukunan ng mga residente ng mga isda at hipon.

     Ang saganang tubig sa lugar rin ang dahilan kung bakit nakapagtatanim sila ng dalawang klaseng produkto sa isang taon.

     Ayon kay Jun Bayog, isang opisyal sa barangay, ang palayan at natatamnan nila ng palay mula Marso hanggang Mayo para sa unang ani, ikalawang ani naman tuwing Hunyo hanggang Agosto at ikatlo sa Setyembre hanggang Nobyembre. Panahon naman ng tabako tuwing Disyembre hanggang Pebrero.

     Kaunti lang sa mga kanilang ani ang ibinibenta ng mga katutubo dahil iniimbak nila ito para sa kanilang pansariling kagamitan.

     Dahil sa pagkakadiskubre ng lugar, nangako ang lokal na pamahalaan na tutulungan ang mga katutubo sa paglinang sa likas na yaman tulad ng pagtuturo sa kanila ng mga makabagong proseso ng pagtatanim at ang pagpapaayos ng daan sa kanilang lugar patungo sa kabilang barangay.


Source:
Hango sa artikulo ni Flord Calawag sa Philippine Daily Inquirer, 14 Setyembre 2015 na pinamagatang Rice Terraces ‘rediscovered’ in Antique

Rhian Ramos, sa kanyang pinaka-“daring” na role (Entertainment News)

ni Jihan Claire Fedelin

Rhian being pretty in red in the premiere night. (PHOTO COURTESY by push.abs-cbn.com)


Isang napakalaking success ng premiere night ng indie film na “Silong” nina Piolo Pascual at Rhian Ramos.

Dinumog ng kanilang mga fans ang screening ng movie sa Fisher mall kung saan kitang-kita ang suporta ng kanya-kanyang fans.

Maraming nagsasabi na ang nasabing movie ay isang obra na hindi mo aasahang gagawin nina Piolo at Rhian. Ang ginawa nilang move na gumawa ng isang film na katuload ng “Silong” ay isang malaking hamon para kay Piolo Pascual at Rhian Ramos, na siyang producer ng nasabing film.


Ang “Silong” ay itinuturing na isang independent film at isinali ito sa Cinemalaya Festival nina Piolo at ngayon ay ipinasok niya sa mainstream o commercial cinema upang maraming tao ang makakita.

Para kay Rhian Ramos, ang paggawa ng “Silong” ang isa sa mga role na pinaghanadaan niya ng mabuti at nailabas ang kanyang totoong acting skills.

Official poster ng “Silong” (PHOTO COURTESY by mymovieworld-coolman0304.blogspot.com)



Marami ang nagdududado noong sa aknyang kakayahan dahil sa mga palabas na pinagbidahan niya pero sa kabila ng mga batikos sa kanya naging matatag siya. Mas nakilala siya ng gumanap siya bilang katambal ni Dingdong Dantes sa Filipino adaptation ng Koreanovelang “Stairway to Heaven”. Ngunit bago pa man yun ay nanalo na siya ng Breakthrough Performance Award by an Actress sa Golden Screen Award para sa kanyang pagganap sa pelikulang “The Promise.”

 Simula noon nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat. Kasama na dito ang paggganap sa katatapos pa nga lang na “ The Rich Man’s Daughter” kung saan gumanap siya bilang isang Chinese lesbian. Ang kanyang role sa nasabing palabas ay nakapag-papukay sa isip ng mga tao at ngmanonood.

Sa “Silong” nagawa ni Rhian ang kanyang first love/bedscene sa kanyag whole career. Dahil ayun sa kanya, hangga’t hindi niya nakikita yung point ng lovescene sa istorya hindi niya gagawin yun pero dahil kinakailangang ipakita yung koneksyon sa pagitan ng karakter nina Pioloa at Rhian kaya ginawa niya.


Piolo Pascual and Rhian Ramos sa showing ngkanilang movie na “Silong” (PHOTO COURTESY by www.philstar.com)


Nang ibigay sa kanya yung script ng story, binasa niya ito kagad sa isang upuan lang at pumayag siya kaagad. Dahil sabi niya “The ending was something I did not see coming.”

Totoong uminom ang aktres bago ang kanilang scne upang mawala ang kanyang hiya. At magawa niya ng maayos ang kanyang pag-arte. Pero hindi lang yun ang kanyang ginawa. 

Sinabi niya na kailangan niyang malaman kung kalian nila isho-shoot ang nasabing scene upang una daw, ay makapagexercise siya at ma-tone down at carbs before the scenes at pangalawa para daw alam niya kung kalian magpapadala ng win sa kanyang tent. Isang napakalaking move ang ginwa niya na hahangaan ng kahit na sino dahil talaga naming napakaganda ng kinalabasan ng nasabing scenes.

Hindi maiiwasang magulat ang buong pamilya ng aktres, sa kanyang pagganap sa pelikula. 

Dahil hindi mo akalaing ang isang aktres na katulad niya namahilig sa car racing ay gagawin ang isang role na katulad ng pagganap niya bilang Valerie sa pelikulang  “Silong”.

Siguradong maraming manonood ang magugustuhana ng nasabing pelikula.

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa isang doctor na si Miguel Cascarro (Piolo Pascual) na nalulungkot pa rin sa pagkamatay ng kanyang buntis na asawa sa isang bus accident. Isang araw, habang nagmamaneho siya pauwi,  nakita niya ang isang duguan at bugbug-saradong si Valerie(Rhian Ramos) sa isang lumang daan sa probinsiya at inuwi niya ito upang gamutin siya at ibalik ang kanyang lakas. Pero madalas ang pinakamalalalim na sugat ang hindi mo nakikita (But the deepest scars are the ones you can't see).


Clips from the movie “Silong” (PHOTO COURTESY by pinoymovieblogger.blogspot.com)



Ipinapalabas na ang “Silong” sa lahat ng sinehan na pinagbibidahan nia Piolo Pascual, Rhian Ramos at Guji Lorenzo. Directed by Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla Ho mula sa Black Maria Pictures at SQ Film Laboratories.

Sources:
http://megastyle.ph/megastyle-september-2015-vol-ii-piolo-pascual-rhian-ramos/
http://push.abs-cbn.com/features/42615/rhian-ramos-on-first-sex-scene-with-piolo-pascual-inalalayan-niya-talaga-ako/2/
http://www.filmpolicereviews.com/silong/
https://www.youtube.com/watch?v=JGF2dOiv4zk
http://www.imdb.com/title/tt4029866/